Magandang araw po Pangulo! Nalulugod po ako sa kasiyahan dahil sa taglay niyong katapangan na harapin ang mga suliranin sa ating bansa, lalo na ang usapin tungkol sa droga. Buong tapang niyo itong hinarap. Saan ni'yo po kaya nakukuha ang tapang ni'yo?
Kung ako po ang tatanungin ninyo ay maganda naman po talaga ang hangarin ng 'War on Drugs' sa ating bansa. Dahil sa war on drugs ay nababawasan ang mga bilang ng gumagamit ng droga at marami ang nahuhuli na nag-aangkat ng droga. Dahil din sa war on drugs ay naipapapakulong ng mga pulis amg matataas na personalidad dahil sa droga.
Ngunit sa kabila ng mga kabutihang ito, marami rin namang mga masa masamang naidudulot nito, isa na sa mga ito ay pagpatay sa mga inosenteng mamamayanan sa kadahilanang napagbintangan umano sila. Ang iba naman po ay gimagamit ng mga pulis ang kanilang katayuan para mapagtakpan ang mga tunay na pangyayari.
Sa totoo lamang po ay nakakalito po talaga kung sino ba talaga ang dapat paniwalaan: ang mga awtoridad? O ang mga nagsasabing sila ay biktima lamang? Masasabi ko naman pong tagumapay ang giyera kontra droga dahil na rin po sa mga iba't-ibang resulta na lumalabas sa balita. Maipupuna ko lamang po sa iyo ay ang huwag po san padalos-dalos ang inyong desisyon at pagsasalita. Iyon po kasi ang napapansin ng karamihan. Sana po ay huwag po kayong sumuko sa mga adbokasiya niyo lalo na ang pagsugpo ng krimen at droga.
Kahit marami man pong sumira sa inyo at tutol ay nagawa pa rin po ninyo ang ipinangako, mgunit sana po ay masolusyonan talaga kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino talaga ang may mga sala.
Maraming salamat po sa paglaan ng oras sa pagbabas. Mabuhay po kayo!
Gumagalang,
L.J.R.O
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento