Buhay Drayber
Photo Essay ni Leona Jane Oreste
Sumapit na naman ang alas-kwatro, oras para bumangon siya upang maihatid ang kanyang sineservisan sa kaniyang tunguhin.

Mga bandang ala-sais ng umaga, uuwi siya upang humigop na rin ng mainit na sabaw.

Ipalagay nating mga alas syete ng umaga ay ang hahatid naman niya ang isang teacher mula sa pribadong paaralan.

Uuwi ulit siya upang kumain ng agahan. At aantayin naman ang oras na alas onse upang sunduin naman ang isang estydyante ng pribadong paaralan.
Sa buhay ng drayber ay hindi talaga maiiwasan ang masira ang parte ng tricycle. Kailangan agad itong magawa upang sa oras na tumawag ang seservisan ay ready na siya agad.

Habang hinihintay ang oras na iyon, ay natutulog siya. Hindi rin maiiwasan na sa bangko na siya makatulog dahil na rin sa kapaguran at sa maagang gumising.
Kailangan ay maayos lahat ang bawat parte upang hindi na rin mapahamak at maagrabyado.

Sa pagsapit ng kahapunan ay nasa loob na siya ng bahay upang ihanda na ang lulutuin kinagabihan.
Paborito niyang gawain sa hapon habang nanunuod siya ng TV ay uminom ng paborito niyang kape.
x

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento