Martes, Pebrero 7, 2017

Sa Kabila Ng Sakuna

Sa Kabila ng Sakuna
Ni Leona Jane Oreste

Nagkaroon ng kanya-kanyang hinuha kung ano nga ba ang papanoorin sa araw na iyon. Alam lamang ng lahat ay isang Indie film ang ipapalabas. Hindi rin maiiwasan ang samu't safing rrklamo dahil na rin siguro sa bago pa lamang sa panlasa ng mga esudyante ang pelikulang ipinalabas.

Masasalamin ng pelikulang napanood ang reyalidad na nangyayari ngayon. Ang naturang palabas ay hindi lamang sa mahihirap kundi pati na rin sa mayayaman dahil ang naranasan sa pelikulang ipinalabas ay para sa lahat ng estado.

Sa pagiging matulungin ni Bebeth, na siyang pangunahing tauhan sa pelikula,ay natulungan niya ang iba pang mga tauhan roon, tulad nina Renato na nawalan ng pamilya at si Larry na nawalan ng asawa at ipinatuloy ni Bebeth sa kaniyang tahanan. Iba't-ibang kwengo at karanasan ang naranasan ng mga tauhan ngunit iisa lamang ang mithiin nila: amg makalimot sa nakaraam, ang hustisya, kawalan ng pag-asa, at pananampalataya sa Diyos ang naging suliranin ng mga tauhan.

Ang nasabing pelikula ay naitanghal na sa ibang bansa at nagtamo ng isang mataas na karangalan. Dahil sa angjing galing ng direktor na si Brillante Mendoza ay nanalo sa kaniyang pelikula sa Cannes Film Festival sa ibang bansa. Sa tulong na rin ng mg gumanap na aktor sa pelikula ay nagbunga ang kanilang pinaghirapan.

Ang hindi pagsuko ni Carlo, na isa sa mga tauhan, ay hindi siya tumugil sa paghahanap ng matutuluyan nila. Dahil ang hindi mo paglaban sa problema ay wala kang kalalagyan sa lipunan, at talo ka rito. Katulad din ni Larry na isang deboto ng simbahan ay nananampalataya siya sa panginoon ngunit dumadating talaga sa atin ang oras na mawawalan ng pag-asa na kumapit dulot na rin sa mga kahirapang nararanasan. At si Renato na gusto nang mawala sa mundong ito dahil sa pagkamatay ng kaniyang pamilya ay isang hindi makakayanan ng kahit sino.

Ang pelikulang "Taklub" ay isag pelikula na kapupulutan ng mga aral-- ang pagiging matatag upang makamit ang hustisya at ang mahanap pa rin ang nawawalanb kamag-anka.

Hangarin ng pelikula na maipakita sa mga tao o manonood ang totoong nangyayari sa panahon ngayon at ang mga nararanasan ng mga tao na nakaranas ng sakuna.

Sa simula pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng kakaibang simula na mayroong  nasunugan na pamilya ni Renato at si Bebeth ang naging pangunahing tauhan dahil sa pagkilos niya na humingi ng donasyon sa mga ka-Sitio o kabarangay. At nagpakita na rin ang iba pang tauhan nas si Larry na deboto at may pananampalataya sa Diyos at si Erwin na bahay ang kaniyang inuuna upang magkaroon sila.ng masisilungan. Ang mga ito ay may pinaglalaban. Si Bebeth ay hinahanap ang mga anak. Si Larry na nananampalataya dahil nakaligtas sa matinding sakuna. Si Erwin na pinaglalaban na makaalis din sila sa "No Build Zone" at mailipat sa ligtas na lugar.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento