Huwebes, Marso 30, 2017

HUMSS, Subok Na!

Ang Humanities and Social Sciences o mas kilalang HUMSS ay strand na pinag-aaralan ay tungkol sa pag-uugali ng tao at lipunan.

Bilang mag-aaral ng HUMSS ay maipagmamalaki nga talaga ito dahil tinuturuan sa strand na ito kung paano makisalamuha sa iba. Pinapadevelop pa dito ang communication skills mo at interaction sa iba.

Sa HUMSS na strand ay makakatulong nang malaki sa iyong kinabukasan. Matututo ka kung paano mabuhay mag-isa at kung paano gumawa ng sarili mo lamang. Maiaapply mo talaga ang mga subjects ng HUMSS sa pang-araw-araw na pamumuhay mo.

Dahil sa pagiging HUMSS ay nadedevelop rin ang artistic skills mo, mapadrawing man yan o mapaliterature. Dahil kung may taglay kang kaartehan ay tamang tama para sa incoming Grade 11 ang HUMSS na strand. Magagamit mo ang galing mo sa pag-arte, sa pagsulat ng script ng mga kwento, tula, sanaysay, atbp. At kung malawak ang imahinasyon mo ay magagamit mo iyan lalo na sa mga strategy sa pagrereport upang hindi maging boring ang reporting nyo.

Sa strand na ito, dito makikita ang mga incoming at mga aspiring  newscasters, teachers, psychologists, mga pulis o sundalo, at mapapulitika man.
Ang pagiging HUMSS students ay paniguradong makakamit mo ang pangarap mo. Sa HUMSS strand  kayang kaya pa ang subject ma tungkol sa Math, hindi dahil nagHUMSS ka ay mahina ka na sa Math. Hindi dahil nagHUMSS ka ay para mawala ang science. No! No!

Dahil lahat tayo sa HUMSS ay kailangang ng Math at Science lalo na sa mga gustong maging teacher at  kukuha ng Major na Math at Science..
Masasabing nasa HUMSS na strand makikita ang mga pangunahimg propesyon na pangarap ng karamihan noon pa man.

Karamihan din sa mga trabahoay connected sa HUMSS strand tulad na rin ng paglilingkod sa mamamayanan at nakatutulong sa pag-unlad ng bansa at ekonomiya. Magagamit mo naman talaga ang mga natutunan mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Dahil nga magagamit ito araw-araw ay kahit saan pumunta ay maiaaply mo ito kahit hindi ka magpatuloy sa kolehiyo at bilangnnahing HUMSS student ka ay hindi ka mawawalan ng silbi.

Maipagmamalaki nga naman ang HUMSS students kahit sabihin pa man ng iba aa pipitsugin ang strand na ito. Ito ang pinakamagandang strand dahil pinag-aaralan nito ang behavior ng tao at lipunang kinagagalawan natin kaya magHUMSS ka na!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento