Autobiography ni Leona Oreste
Magsimula tayo sa isang salitang Tanhimik, ganito ko nais ihambing ang sarili ko. Tahimik na gumagawa ng sariling mundo sa isipan. Pinanganak ako noong ika-16 ng Hulyo taong 1999. May timbang na 42 kilogramo na hindi rin katangkaran na may 152 sentimetro.
Madalas na napapansin ng taong nasa paligid ko na ako ay may matang singkit, lalo na raw kapag natawa, at ang pagiging payat ko. Minsan, masakit masabihang maitim dahil sa hindi kaaya-aya kong balat ngunit nas maigi na lamang isipin na tanggapin ko kung ano ako.arami
Marami akong hindi kayang gawin lalo na kung tungkol ito ay sa palakasan. Kahit na nais mong gawin ngunit hindi mo naman magawa. Dahil na rin sa madaling mapagod kapag masyadong napapasarap sa paglalaro ng sports.
Sa larangan ng palakasan, masasabi kong mas sanay ako at attached sa larong badminton. Simula elementary, kinahiligan ko na ito kahit na hindi ko pa saulado ang rules na ito hanggang ngayon ay ito at ito pa rin ang pipiliin kong sports.
Tungkol sa kalusugan ay maayos at walang nararamdamang sakit at walang iniinom na gamot, dahil doon ay ipinagpapasalamat ko ito. Ngunit paminsan-minsan ay nakakaramdam ako ng kakulangan sa paghinga dahil na rin siguro sa masyadong maraming gawain at stress sa pag-aaral. Huwag naman sana umabot sa sakit na Asthma.
Namana kong ugali o ang pinaka-angat na ugali sa pamilya namin ay ang pagiging mabait at pagiging mahiyain. Sabi ng mga kaibigan ko ay maganda daw ang ngito mo at ang mata ko.
"Walang taong bobo; tamad, marami." Sabi ng paborito kong guro. Masasabi kong nasa average ang IQ ko dahil nakakaintindi naman ako ngunit may times na hindi talaga..
Sa pagiging tahimik ko ay nakakaisip ako ng mga bagay na kung ano-ano. Mga bagay na pwdeng mangyari at imposibleng maganap.
Nais kong maging submissive kung karapat dapat naman sundin o paniwalaan at sa pagiging dominant ay kung kaya ko bang maging angat sa iba.
Para sa akin biggest success in life ko na ay ang pagkatapos ng Junior High School dahil sa sikap ko at walang naging sagabal.
Ang pinaka-goal ko sa buhay ay ang matulungan ang pamilya ko upang maibalik ko ang mga binigay nila sa akin at ang makatapos ng pag-aaral upang makamit ko ang mga ito.
Ang pinakamalaking kahibabangan ko ay ang mabasa konang mga nasa isip ng tao.
Madalas kinahihiya ko ang pagiging malabo ng mata ko ngunit sa umpisa pa alamang ay ako na naman ang may dahulan nito.
Ang spiritual beliefs at religious belief ko ay ang nalalapit na paghuhukom ng mundo.
Sa pagiging maayos sa sarili o sa katawan ang talagang kahanga hanga sa isang opposite sex mo.
Sa pamilya talaga mahahanap ang totoong ikaw at sa pamilya lamang makikita ang tunay na pagmamahal. Lumaki ako na kasama ko ang pamilya ko.
May kaya lamang ang pamilya namin. Wala naman akong nakikitang dahilan na nakakaapekto sa kalagayan namin.
Sa aking kabataan in between ako sa mabuti at hindi. Sa pamilya na malaki ang impact sa aking kabataan at ugali ay ang pinsan kong babae na siyang nagiging ate ko.
Ang pag-aaral sa pampublikong paaralan ay mas maganda kaysa sa pribadong eskwelahan. Sa pampublikong paaralan, walamg arte at sa simpleng bagay ay napapasiya ka na nito.Malaking impact sa akin ang mga kaibigan ko ,lalo na kung tungkol ito sa kalokohan.
Makapiling ang pamilya sa sariling bahay ay parang kukumpleto ito sa sarili.
Sa showbiz, madaling makaatract ang magaganda ang hubog ng katawam. Di James Reid at Nadine Lustre ang sa akin ay masasabi kong angat ang ugali at sa katawan lalo na sa pisikal na katangian.
Kaibigan? Masasabi kong kaibigan kita kung nagsheshare na ako sa iyo ng mga bagay na importante sa akin. Masaya ako kapag sila ang kasama ko.
Ang latest kong napuntahan ay party tungkol sa mga magulang. Naisama ako dahil nagsilbi akong receptionist. Ang pinkamasayang bahagi ng buhay ko ay pag-uwi ng nanay ko galing ibang bansa.
Sa ating lipunan, magulo ang ating pulitika. Bilang isang mamamayang Pilipino at isang estudyante naman ay may pakialam dapat at matatawag din naman akong isang concern citizen.
Sa lugar na tahimik at kakaunti pa lamang ang vahay ay doon kami naninirahan. Mailalarawan ko ang aming mga kapit-bahay na tahimik pero minsan ay nga tsismosa rin.
Paborito kong lugar sa aming bahay ang silid-kwarto dahil doon tahimik at payapang nakakapag-isip. Madalas sa magkakapatid ay hindi maiiwasan ang pag-aaway ngunit sa kabila noon ay pamilya pa rin ang magtutulungan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento