Huwebes, Marso 30, 2017

Autobiography ni Leona Oreste

Magsimula tayo sa isang salitang Tanhimik, ganito ko nais ihambing ang sarili ko. Tahimik na gumagawa ng sariling mundo sa isipan. Pinanganak ako noong ika-16 ng Hulyo taong 1999. May timbang na 42 kilogramo na hindi rin katangkaran na may 152 sentimetro.

Madalas na napapansin ng taong nasa paligid ko na ako ay may matang singkit, lalo na raw kapag natawa, at ang pagiging payat ko. Minsan, masakit masabihang maitim dahil sa hindi kaaya-aya kong balat ngunit nas maigi na lamang isipin na tanggapin ko kung ano ako.arami

Marami akong hindi kayang gawin lalo na kung tungkol ito ay sa palakasan. Kahit na nais mong gawin ngunit hindi mo naman magawa. Dahil na rin sa madaling mapagod kapag masyadong napapasarap sa paglalaro ng sports.

Sa larangan ng palakasan, masasabi kong mas sanay ako at attached sa larong badminton. Simula elementary, kinahiligan ko na ito kahit na hindi ko pa saulado ang rules na ito hanggang ngayon ay ito at ito pa rin ang pipiliin kong sports.

Tungkol sa kalusugan ay maayos at walang nararamdamang sakit at walang iniinom na gamot, dahil doon ay ipinagpapasalamat ko ito. Ngunit paminsan-minsan ay nakakaramdam ako ng kakulangan sa paghinga dahil na rin siguro sa masyadong maraming gawain at stress sa pag-aaral. Huwag naman sana umabot sa sakit na Asthma.

Namana kong ugali o ang pinaka-angat na ugali sa pamilya namin ay ang pagiging mabait at pagiging mahiyain. Sabi ng mga kaibigan ko ay maganda daw ang ngito mo at ang mata ko.

"Walang taong bobo; tamad, marami." Sabi ng paborito kong guro. Masasabi kong nasa average ang IQ ko dahil nakakaintindi naman ako ngunit may times na hindi talaga..

Sa pagiging tahimik ko ay nakakaisip ako ng mga bagay na kung ano-ano. Mga bagay na pwdeng mangyari at imposibleng maganap.

Nais kong maging submissive kung karapat dapat naman sundin o paniwalaan at sa pagiging dominant ay kung kaya ko bang maging angat sa iba.

Para sa akin biggest success in life ko na ay ang pagkatapos ng Junior High School dahil sa sikap ko at walang naging sagabal.

Ang pinaka-goal ko sa buhay ay ang matulungan ang pamilya ko upang maibalik ko ang mga binigay nila sa akin at ang makatapos ng pag-aaral upang makamit ko ang mga ito.

Ang pinakamalaking kahibabangan ko ay ang mabasa konang mga nasa isip ng tao.
Madalas kinahihiya ko ang pagiging malabo ng mata ko ngunit sa umpisa pa alamang ay ako na naman ang may dahulan nito.

Ang spiritual beliefs at religious belief ko ay ang nalalapit na paghuhukom ng mundo.
Sa pagiging maayos sa sarili o sa katawan ang talagang kahanga hanga sa isang opposite sex mo.

Sa pamilya talaga mahahanap ang totoong ikaw at sa pamilya lamang makikita ang tunay na pagmamahal. Lumaki ako na kasama ko ang pamilya ko.

May kaya lamang ang pamilya namin. Wala naman akong nakikitang dahilan na nakakaapekto sa kalagayan namin.

Sa aking kabataan in between ako sa mabuti at hindi. Sa pamilya na malaki ang impact sa aking kabataan at ugali ay ang pinsan kong babae na siyang nagiging ate ko.

Ang pag-aaral sa pampublikong paaralan ay mas maganda kaysa sa pribadong eskwelahan. Sa pampublikong paaralan, walamg arte at sa simpleng bagay ay napapasiya ka na nito.Malaking impact sa akin ang mga kaibigan ko ,lalo na kung tungkol  ito sa kalokohan.
Makapiling ang pamilya sa sariling bahay ay parang kukumpleto ito sa sarili.

Sa showbiz, madaling makaatract ang magaganda ang hubog ng katawam. Di James Reid at Nadine Lustre ang sa akin ay masasabi kong angat ang ugali at sa katawan lalo na sa pisikal na katangian.

Kaibigan? Masasabi kong kaibigan kita kung nagsheshare na ako sa iyo ng mga bagay na importante sa akin. Masaya ako kapag sila ang kasama ko.

Ang latest kong napuntahan ay party tungkol sa mga magulang. Naisama ako dahil nagsilbi akong receptionist. Ang pinkamasayang bahagi ng buhay ko ay pag-uwi ng nanay ko galing ibang bansa.

Sa ating lipunan, magulo ang ating pulitika. Bilang isang mamamayang Pilipino at isang estudyante naman ay may pakialam dapat at matatawag din naman akong isang concern citizen.

Sa lugar na tahimik at kakaunti pa lamang ang vahay ay doon kami naninirahan. Mailalarawan ko ang aming mga kapit-bahay na tahimik pero minsan ay nga tsismosa rin.

Paborito kong lugar sa aming bahay ang silid-kwarto dahil doon tahimik at payapang nakakapag-isip. Madalas sa magkakapatid ay hindi maiiwasan ang pag-aaway ngunit sa kabila noon ay pamilya pa rin ang magtutulungan

Jueteng
Ni LJRO


Sa araw-araw ay hindi kumpleto kapag wala si ate Bobot. Siya ay kinagigiliwan ng lahat dahil sa pagiging masayahin at madaldal sa lahat.


Tuwing dadaan siya sa'min ay tipong nabubulabog talaga ang bahay namin. Isa siya sa mga gustong kasama ng aking ama at tito.


Ang trabaho niya ay nagtitinda ng gulay ay nagjujeteng din siya. Marami ang tumataya sa kanya siguro dahil na din sa abilidad nito.


Nakakatuwang isipin na may kamag-anak ako na katulad niya. Kapag siya ay nandiyan ay tuwang-tuwa kami dahil may maingay na naman. Pero hindi talaga mawawala sa kaniya ang pagjujueteng siguro likas na talaga sa kaniya ito.


"Ilibre nyo ako ha? Wala akong dalang pera,"  paloko niyang sabi noong huli kaming nagkita gawa na rin siguro na siya'y lasing na. I
Biography ni Reylan De Chavez
Leona Oreste

Taong 2013
Si Reylan De Chavez ay nagsimulang maging aktibo sa Social Media na Facebook.

Mga Post noong 2013










Mga Post sa Isang Event (Palaro sa Badminton)2013
Sa baytang 7 ay player siya ng badminton at alam kong magaling talaga siya dito at hilig niya ito.







Taong 2014
Profile Picture
Napansin kong hindi siya masyadong nagpapalit ng profile pictures






Family 2016
Si Reylan ay nakikitaan ko ng pagkamalambing sa kanyang pamilya, makikita naman na close niya ang kanyang magulang at ang kanyang ate.




Tagged 2016
May ilan ilan namang nagtatagged sa kanya: mapapictures man o mga status.





Ootd 2016
Ito sapalagay ko ang latest na picture niya.


Maligayang kaarawan 2016
May mga taong hindi siya kinakalimutan pati kaarrawan ay hindi pinalalampas.




Cover photo

2016
Happy Family

2017
Bilang kaklase ni Reylan ay bilib ako sa kanyang katangian. Isa na rin dito ang pagkamalambing niya sa kaniyang kasintahan at lalo na sa pamilya. Si Reylan ay medyo makulit, pasaway, at maaasahan din naman ito sa mga gawain. Kaya sana ipagpatuloy pa niya ang ugaling ganoon. Dahil kahanga hanga naman talaga.
HUMSS, Subok Na!

Ang Humanities and Social Sciences o mas kilalang HUMSS ay strand na pinag-aaralan ay tungkol sa pag-uugali ng tao at lipunan.

Bilang mag-aaral ng HUMSS ay maipagmamalaki nga talaga ito dahil tinuturuan sa strand na ito kung paano makisalamuha sa iba. Pinapadevelop pa dito ang communication skills mo at interaction sa iba.

Sa HUMSS na strand ay makakatulong nang malaki sa iyong kinabukasan. Matututo ka kung paano mabuhay mag-isa at kung paano gumawa ng sarili mo lamang. Maiaapply mo talaga ang mga subjects ng HUMSS sa pang-araw-araw na pamumuhay mo.

Dahil sa pagiging HUMSS ay nadedevelop rin ang artistic skills mo, mapadrawing man yan o mapaliterature. Dahil kung may taglay kang kaartehan ay tamang tama para sa incoming Grade 11 ang HUMSS na strand. Magagamit mo ang galing mo sa pag-arte, sa pagsulat ng script ng mga kwento, tula, sanaysay, atbp. At kung malawak ang imahinasyon mo ay magagamit mo iyan lalo na sa mga strategy sa pagrereport upang hindi maging boring ang reporting nyo.

Sa strand na ito, dito makikita ang mga incoming at mga aspiring  newscasters, teachers, psychologists, mga pulis o sundalo, at mapapulitika man.
Ang pagiging HUMSS students ay paniguradong makakamit mo ang pangarap mo. Sa HUMSS strand  kayang kaya pa ang subject ma tungkol sa Math, hindi dahil nagHUMSS ka ay mahina ka na sa Math. Hindi dahil nagHUMSS ka ay para mawala ang science. No! No!

Dahil lahat tayo sa HUMSS ay kailangang ng Math at Science lalo na sa mga gustong maging teacher at  kukuha ng Major na Math at Science..
Masasabing nasa HUMSS na strand makikita ang mga pangunahimg propesyon na pangarap ng karamihan noon pa man.

Karamihan din sa mga trabahoay connected sa HUMSS strand tulad na rin ng paglilingkod sa mamamayanan at nakatutulong sa pag-unlad ng bansa at ekonomiya. Magagamit mo naman talaga ang mga natutunan mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Dahil nga magagamit ito araw-araw ay kahit saan pumunta ay maiaaply mo ito kahit hindi ka magpatuloy sa kolehiyo at bilangnnahing HUMSS student ka ay hindi ka mawawalan ng silbi.

Maipagmamalaki nga naman ang HUMSS students kahit sabihin pa man ng iba aa pipitsugin ang strand na ito. Ito ang pinakamagandang strand dahil pinag-aaralan nito ang behavior ng tao at lipunang kinagagalawan natin kaya magHUMSS ka na!
Mahal naming Pangulong Rodrigo Roa Duterte,

Magandang araw po Pangulo! Nalulugod po ako sa kasiyahan dahil sa taglay niyong katapangan na harapin ang mga suliranin sa ating bansa, lalo na ang usapin tungkol sa droga. Buong tapang niyo itong hinarap. Saan ni'yo po kaya nakukuha ang tapang ni'yo?

Kung ako po ang tatanungin ninyo ay maganda naman po talaga ang hangarin ng 'War on Drugs' sa ating bansa. Dahil sa war on drugs ay nababawasan ang mga bilang ng gumagamit ng droga at marami ang nahuhuli na nag-aangkat ng droga. Dahil din sa war on drugs ay naipapapakulong ng mga pulis amg matataas na personalidad dahil sa droga.

Ngunit sa kabila ng mga kabutihang ito, marami rin namang mga masa masamang naidudulot nito, isa na sa mga ito ay pagpatay sa mga inosenteng mamamayanan sa kadahilanang napagbintangan umano sila. Ang iba naman po ay gimagamit ng mga pulis ang kanilang katayuan para mapagtakpan ang mga tunay na pangyayari.

Sa totoo lamang po ay nakakalito po talaga kung sino ba talaga ang dapat paniwalaan: ang mga awtoridad? O ang mga nagsasabing sila ay biktima lamang? Masasabi ko naman pong tagumapay ang giyera kontra droga dahil na rin po sa mga iba't-ibang resulta na lumalabas sa balita. Maipupuna ko lamang po sa iyo ay ang huwag po san padalos-dalos ang inyong desisyon at pagsasalita. Iyon po kasi ang napapansin ng karamihan. Sana po ay huwag po kayong sumuko sa mga adbokasiya niyo lalo na ang pagsugpo ng krimen at droga.

Kahit marami man pong sumira sa inyo at tutol ay nagawa pa rin po ninyo ang ipinangako, mgunit sana po ay masolusyonan talaga kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino talaga ang may mga sala.

Maraming salamat po sa paglaan ng oras sa pagbabas. Mabuhay po kayo!

Gumagalang,

L.J.R.O