Iba't-ibang Hinaing, Iisang Mithiin
ni Leona Jane Oreste
"Hindi mo malalaman ang halaga ng kalayaan kapag hindi pa ito nawawala sa iyo..." ani ng isang matandang nagsasalita sa enrablado.
Diyembre10, 2016 ginunita ang Human Rights Day sa isang gusaling pasyalan. Maingay sa buong paligid noon. Inaasahan na sa mga dumalo ang pagkakaroon ng kuryosidad kung ano nga ba ang gagawin, ano nga ba o tungkol saan nga ba ang ginuginita at panigurado na rin na may nainip.
Sa kabila ng maingay na paligid ay hindi alintana ang ingay upang makakuha ng iba't- ibang impofmasyon.
"Makinig ng balita, magbasa ng dyaryo, manood ng TV.l, at bumuo ng kaniyang opinyon at magsalita," panimulang sagot ng isang German Mercado na isa sa mga tagapagsalita.
"Hindi dapat maging passive," dagdag pa niya.
"Maging vocal kung ano ang nakikita," batay nga sa kaniya, pinalaki ang kabataan ngayon na may kulturang authority. Na mula sa pamilya, tatay, nanay, guro, atbp.
Ayon kay Ginoong German, "sa ating lipunan, simbahan ay awtoridad-- na ang lahat ng iyon ay hindi bagkakamali," Natawa pa nga si Mang German sa sinabi niyang hindi naman totoo iyon.
Sinabi pa nga niya na pinalaki niya ang kaniyang mga anan na maiduskusyon.Ngunit hindi kailangang i-impose lahat. I-prove mo ang iyong work at ang iyong punto.
Pangaral pa nga niya na dapat maging mapanuri, mag-analisa, at huwag maging bulag na tagasunod sa awtoridad.Dahil hind lahat ng iyon ay tama.
Ito ang mga sagot ni Ginoong German sa katanungam kung ano nga ba ang mapapayo sa kabataang hindi aware sa nangyayari sa pamahalaan at lipunan natin.
Katulad na nga rin sa isyung napapanahon tungkol kay Espinosa, na paano mo raw susundin ang isang pangulo na nanumpa para sa isang batas na nagsasalita sa lahat ng maraming tao na iyong pumatay kay Espinosa ay hidi ipapanagot kung sino ang pumatay.
Hindi paawat na pahayag ni Ginoong German. Dagdag pa niya "Ano ba ang mensahe noon na siya lamang ang batas? Ang haba ng ating kasaysayan para ayusin ang mga batas na iyon ngunit isang pangulo lamang ay babaliwalin iyan?"
"Dahil lamang sa pagtingin niyang tama lamang amg giyera sa droga na maraming namamatay, nag&uubliga na magtulak," painis niyang saad.
"Hindi ko binibigyang katwiran ha?" Saad niyang bigla. "Dahil na rin sa walang kabuhayan, dahil doon sa tingin nila may kasalanan na ito kaya pinapatay nila."
Sa kasalukuyangkalagayan ng ating batas, kailangamg i-prove 'yan.
"Bago mahatulam, kailangang i-prove yan with reasonable and doubt. Wala ratong death penalty, pinakamahaba lamang ay pagkakakulong habang buhay."
"Inaakusahan ka pa lamang, pinapatay ka na. Dead men there is no pain. Kapag patay ka na, wala na, patay ka na." kasigurafuhan niyang pahayag.
Dagdag pa niya lahat o ilang kabataan ay naging collateral damage. Iyon nga raw ang tawag sa kabataan. Kabataang namatay, nadadamay na kapag patay, patay.
Pangongonsensya pa nga niya sa amin kung ganoon ba ang gusto naming lipunan. Iyon bang pinamamayanihan ng karahasan. Kaya nga raw tahimik ang tao at takot magsalita dahil takot nga silang ipahayag amg kaisipan nila. At pahuli pa niyang pangaral ay ang pagkakaroon ng pakialam sa current events na Bakit? Bakit? Bakit iyan nangyari? At mag-analisa.
Natapos ang panayam ay isinunod namin ay ang isang miyembro ng LGBT community na si Aaron Bonette na may 22 taong gulang. Siya ay sumali sa grupo taong 2013 kasama ang ibang mag-aaral sa Manuel S. Enverga University (MSEUF) na nagbuo sa grupo mg EU Bahaghari. Taong 2015 ay nagpunta siyang Maynila upang tugunan ang panawagan ng iba pang LGBT doon at para gawing International ang LGBT organization. Ngayon,l ay isa na siyang National secretary ng Bahaghari ng buong Pilipinas.
Tinanong namin siya agad na kung ano ang payo sa mga kabataang iniitsapwera ang lipunan.
Bilang kabataan na tulad din niya, na bago siya naging bakla, o kami na bago maging babae o kahit ano pa man ay parte tayo ng lipunan.
"Nangangailangan ang lipunan ng boses," aniya. "Matagal nang nangyayari ang paglabag sa karapatang pantao na noon ay nariyan ang patriarchy at nandiyan ang feudal system," saad niya.
Batay na rin sa konsepto at kulturang ito at nananatili ang diskriminasyon, pagpaslang, pagkukutya sa LGBT ngayon.
"Kung maalala natin si Jennifer Laude na namatay noong October 11, 2014 na nilunod, sinakal, at namatay,isa siyang transgender." At sa taong ding iyon, ay may isang babae na may edad na 53 na taga-Tayabas ang pinagsasaksak ng 33 beses. Marami nga raw na LLGBT na pinatay dahil sa kasarian nila.
Binigyang diinni Aaron ang mga paglabag sa karapatang pantao ng mga magsasaka na ninakawan dahil sa polisiya ng gobyerno.
"Ang hindi pagsulong sa Agrarian reform sa mga mangagawa na mababa ang sweldo at dahil sa mga paglawak ng kotraktuwalisasyon.
Sa kabataan nga rin ay may paglabag na sa karapatang pantao. Ito nga ay ang matataas na matrikula.
" Ang Human Right s ay napakalaking salita, maraming kailangang isa-isahin at kapag inisa-isa mo, ito na pala ang karapatan ko," paliwanag niya na tila kami ay naliwanagan rin kung ano nga ba ang Human Rights batay na rin sa aming reaksiyon.
"Hindi lamang iyon, 'Right to live'.Pero may underlying levels na kailangan din nating tugunan para makamit ang tunay na Human Rights," dagdag pa niya.
Bilang kasapi na nga rin siya ng LGBT community ay nakakamit ang Human Rights nila kung makakamit din ang hustisya. Iyon nga ang kanilang inilalaban at patuloy na ipaglalaban para sa tunay na pagkakapantay-pantay hindi oamang s usaping kasarian at sa uri na rin ng pinagmulan.
Ang payo na rin ni Aaron sa kabataan, "Hindi lamang dapat nating isipin na kung ano ang mayroon tayo ngayon , kailangan din nating tignan ang nagpapahubog ng ating kinabukasan."
"Laking pasalamat na rin sa mga bayani dahil nakamit natin ang karapatan mgayon at isipin a g susunod pamg henerasyon. Magagamit din ang social life natin sa pamamagitan ng pagpapakita ng skills at talento sa iba," dagdag na pahuli ni Aaron.
Sa pagtatapos ng panayam on kay Aaron ay napagpasyahang isunod sa panayam ang isang nagpipinta ng gagamitin sa pagrarally.
"Oo, napapakita ko sa pagpipinta ang talento ko para sa sining ng masa," proud na pahayag ni Yasmine Lacerna, 20 taong gulang.Naengganyo siyang sumali dahil na ri sa talento niyang pagguhit. Noon ay hindi pa niya alam kung ano nga ba ang Human Rights ngunit 'di naglaon ay nalaman na niya ang kabuluhan nito.
"Kahit na nasasagasaan ang oras ko at walang bayad ay iniisip kong hindi ito pangsariling interes." saad niya.
Dahil bilang painter ay nakakapunta na rin siya sa iba't-ibang lugar, mapa-Maynila, Hacienda Luisita, Nueva Ecija. Sa pagpunta nila sa ibang lugar ay nagsasagawa rin sila ng ng workhop isa na nga rito ay ang sa mga Aeta.
"Ang sining ko ay pang-masa," dagdag niya.
Sa katanungan na,"Ano ba ang nararamdaman niya sa Human Rights Violation?" , ay batay sa kaniya siya ay naiinis lalo na sa mga magsasakang involved na nakakaranas mg Human Rights Violation.
Ayon nga sa kaniya ay ang mga magsasak ay inaapi batay na rin sa kanilang dokumentaryo. Nagdodokumentaryo sila upang turuan kung ano ang Human Rights.
Sa kanilang documentation ay may nakapanayam sila na dinemolish ang bahay sa Pagbilao, Quezon. Dinemolish ang bahay ng magsasaka at ito nga ay isnlang paglabag sa karapatng pantao. Dinemolish nga raw ang nasabing bahay noong walang tao sa bahay-bahay. Marami ang naninirahan doon na hindi alam na nilabag ang kanilang Human Rights. Dahil na rin sa illiterate o hindi sila nakapag-aral. Ang mga ito ay galing sa ibang lugar, may Tacloban, Catanuan ,atbp.
"Ano ang magagawa ko para malaman nila ang Human Rights?" malungkot na pahayag ni Yasmine.
Hindi sila titigil, at makikibaka lalo sila para sa mga karapaaltamg pantao. Ipinaglalaban nila ang mga karapatang pantao dahil ito amg tama at ito ang magagawa nila upang makamit ang kapayapaan.